Hinamon ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno ng ECHO PH ang kapwa jungler na si Jhonard “Demonkite” Caranto na dalhin ang kanyang bagong team na RSG Malaysia, sa M5 World Championships.
Ang tunggalian nina KarlTzy at Demonkite ay nagsimula noong Mobile Legends Professional League (MPL) Philippines Season 10. Pagkatapos ng isang regular-season game kung saan tinalo ng RSG Philippines ang ECHO, sinabi ni Demonkite sa media, “Pinamukha ko lang sa kanya (KarlTzy) na ‘di siya mananalo sa ‘kin sa mga layunin.”
Nagkaroon din ng pagkakataon na nagdedmahan ang dalawang jungler sa mandatory handshake ng mga manlalaro bago umusad ang laban.
Gayunpaman, na kay KarTzy ang huling halakhak sa Season 10 nang talunin ng ECHO ang RSH PH sa lower bracket finals, 3-1. Ang tagumpay ay nagpadala ng ECHO sa M4 World Championships, kung saan napanalunan nila ang titulo.
Matapos ang matinding pagkatalo, nalaktawan ni Demonkite ang kabuuan ng MPL PH Season 11. Ngayon, nagbabalik siya sa RSG Malaysia.
“Wala akong masabi. Galing! Good luck! Galingan mo diyan. Kita-kits sa M5, durugin mo ako ‘dun,” ayon sa post from MPL Philippines ni KarlTzy.
Para maging kwalipikado ang koponan ni Demonkite para sa M5, kailangan muna nilang talunin ang MPL Malaysia. Samantala, kailangang maabot nina KarlTzy at ECHO ang nangungunang dalawa sa MPL PH para makakuha ng M5 slot.