Mukhang tapos na ang standstill sa pagitan ng Samahang Basketbol Ng Pilipinas (SBP) at Kai Sotto.
At ito ay win-win para sa magkabilang panig. At higit sa lahat, isang malaking tagumpay para sa Gilas Pilipinas.
Ang 7-foot-3 center ay nasa PhilSports Arena na kasama ang national team habang nagpatuloy ito sa pagsasanay isang araw matapos dumating mula sa China kung saan nakibahagi ito sa isang pocket tournament laban sa Iran at Senegal.
Bagama’t hindi siya nakaligtaan sa pagsasanay mula nang dumating sa NBA Summer League sa Las Vegas, hindi pa lubusang sumasali si Sotto sa pagsasanay at sa halip ay nagsagawa lamang ng ilang simpleng shooting drills.
“Once they do (start scrimmaging), he will (join),” kuwento ng senior member ng kampo ni Sotto.
“But just to be clear, Kai’s camp also emphasized that “doctors don’t clear him ’till tomorrow.”
Ang kanyang partisipasyon ay kasabay ng pagdating ni Jordan Clarkson, ang walong taong NBA veteran ng Utah Jazz na magiging naturalized player ng Pilipinas sa World Cup na aarangkada sa Agosto 25.