Kinumpirma ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson Jr. na naisumite na niya sa Office of the Ombudsman ang documentary at testimonial evidence na nakalap nila ng kanyang staff tungkol sa sinasabing anomalya sa flood control projects sa Taguig City.

Isinumite ng senador ang mga ebidensya para sa evaluation at motu proprio investigation.

Ayon kay Lacson, ang mga kaso na maaaring isampa sa mga mapapatunayang sangkot ay ang plunder, malversation at violations of the Anti Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

Sa isang X post ngayong Martes, Hulyo 28, sinabi ni Lacson na may mga illegal reclamation projects, ghost projects, double appropriations, at recycled photos umano mula sa completed contracts, na kontrolado ng iisang tao lang mula noong 2019.

“For the period 2020-2025 alone, Taguig has accumulated P14.4B worth of infra projects and still counting,” saad pa ni Lacson.

Tiniyak naman ng senador na patuloy silang magsusumite ng anumang ebidensyang kanilang makakalap pa sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *