Sinabi ng witness at dating Land Bank of the Philippines (LBP) Department of Education (DepEd) Branch Manager Nenita Camposano na personal na nag-encash ng tatlong tseke, na nagkakahalaga ng P37.5 milyon bawat isa, ang isang dating DepEd official at lumabas sa fire exit ng bangko.

Sa kanyang pagtestigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Hulyo 29, kinumpirma ni Camposano na siya ang nangasiwa sa pag-encash ng tatlong tseke, na nagkakahalaga ng P37.5 milyon bawat isa, ni dating DepEd Special Disbursing Officer Edward Fajarda noong Pebrero 22, Abril 26, at Hulyo 13, 2023.

Ayon kay Camposano, matapos ma-validate at maaprubahan ang mga tseke, tinatawag si Fajarda sa backroom ng bangko kung saan ipinagkakaloob ang cash. Aniya, inilalagay ni Fajarda ang pera sa dala nitong bag bago lumalabas sa fire exit sa likurang bahagi ng gusali.

Sa cross-examination naman, tinanong ni defense counsel Atty. Michael Poa kung maaaring sa fire exit dumaan si Fajarda dahil ito ang mas ligtas at mas malapit na ruta patungo sa gusali ng DepEd. Sumang-ayon si Camposano sa posibilidad na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *