Sa ikalawang araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Martes, Hulyo 7, ipinakilala ni prosecution lawyer Amando Virgil Ligutan ang unang testigo ng kanilang kampo na si National Bureau of Investigation (NBI) senior agent John Mark Calilung.

“Ito ay nakatatak na sa ating bansa bilang unang pagkakataon na isang Bise Presidente ay nakipagkontrata ng isang mamamatay tao upang patayin no less than the President of the Republic of the Philippines,” ayon kay Ligutan.

Pinakilala ni Ligutan si Calilung, 31-anyos, bilang agent-on-case ng NBI na nag-imbestiga sa video diumano VP Sara kung saan binantaan niya na ipapapat@y si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at former House Speaker Martin Romualdez.

Bilang isang tauhan ng NBI Cybercrime Division-Forensic Department, siya ang responsible sa pagkolekta, pag-preserve at pagsuri ng video ni VP Sara upang maberipika na tunay ito at hindi minanipula o pineke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *