Naniniwala si Palace Press Officer Claire Castro na makabubuting personal na dumalo si Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial upang direktang matugunan ang mga paratang na inihain laban sa kanya.
“Mas maganda na ang isang tao na naaakusahan ay makaharap niya ‘yong mga witnesses against her… Kung ako ang lawyer at alam ko na walang mali, malinis, walang puwedeng ikaso sa kaniya, papaharapin ko siya para mapasinungalingan lahat ng mga akusasyon,” sabi ni Castro.
Ayon kay Castro, ang pagharap ng isang respondent sa proseso ay pagkakataon upang malinaw na maipakita ang kanyang panig at sagutin ang mga alegasyon sa harap ng mga testigo.
