“Hindi po ako nagtapos sa UP. Hindi rin po ako nagtapos sa Ateneo. Nagtapos po ako sa UP rin…sa University of Prison,” pahayag ni Sen. Robinhood Padilla.
Sa kasagsagan ng argumento sa kung sino dapat ang maupong presiding officer sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte na nagsimula ngayong Lunes, Hulyo 6, nagbahagi si Sen. Robin Padilla ng kanyang pagkakaiintindi sa nakasaad sa batas sa pamamagitan ng mga katagang isinalin sa Tagalog na kanyang sinaliksik sa Google Search.
“Humingi po ako ng tulong sa Google kasi legal terms po ito,” giit ni Padilla.
Ito ay sa kabila nang pagkakahalal kay Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero bilang presiding officer sa botong 12-8 bagamat kinontra ng magkapatid na Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano.
Matatandaan na nasintensiyahan si Padilla ng korte dahil sa paglabag sa Firearms Law noong 1992 subalit pinalaya rin matapos ang anim na taon nang mabigyan ng parole ng noo’y Pangulong Fidel V. Ramos bago pinagkalooban absolute pardon naman ni former President Rodrigo Roa Duterte noong 2016.
