Nakatakdang magsampa ng kasong qualified human trafficking ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating kongresistang si Mike Defensor kaugnay ng ni-raid na KTV bar sa Pasig City, na umano’y pagmamay-ari ng pamilya nito.

“We are able to complete the matrix na lumalabas, kasama po talaga siya,” ani NBI Director Melvin Matibag.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, posibleng ihain ang reklamo laban kay Defensor sa Biyernes, Hunyo 19, o sa Lunes, Hunyo 22.

Binigyang-diin din ni Matibag na non-bailable o walang piyansa ang naturang kaso na isasampa nila laban sa dating mambabatas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *