Humihirit ang House prosecution panel ng karagdagang araw upang mapabilis ang pagmamarka ng mga ebidensiya sa pre-trial conference ng impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kina Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, nais nilang magkaroon ng karagdagang pre-trial conference kabilang ang Biyernes at Sabado upang matapos agad ang marking of exhibits.
Humiling din umano ang prosekusyon na madagdagan ang mga team na magsasagawa ng pagmamarka ng ebidensiya para mapabilis ang proseso ngayong linggo.
Layunin ng hakbang na matiyak na matatapos sa oras ang mga kinakailangang pre-trial proceedings bago ang pagsisimula ng impeachment trial sa Hulyo 6.
