Ibinunyag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na umabot sa P700 milyon ang nagastos na pondo ng Senado sa pamumuno ni Sen. Alan Peter Cayetano sa loob lamang ng 28 days kahit na walang ni-isang batas ang naipasa.
The Philippine Senate in 28 days under Alan Peter Cayetano: Estimated Cost – P700M. Output – chaos, gunfire, Bato’s escape, session boycott, [and] unauthorized committee hearings,” saad ni Lacson.
Sa kabila ng malaking gastos, nauwi lamang umano ang pamumuno ni Cayetano sa mga kontrobersiya gaya ng insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13, pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, pagboykot ng dating mayorya sa mga sesyon, at ang ‘Blue Ribbon hearings’.
