Inatasan na ng Office of the Ombudsman si Sen. Francis “Chiz” Escudero na sagutin ang mga akusasyong nag-uugnay sa kanya sa kontrobersiya ng multi-bilyong flood control scandal sa bansa, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.

“Nasa preliminary investigation stage na po. There was an order to submit counter affidavit, na-receive ng opisina ni Chiz Escudero. I believe ‘yung panel po natin ay naghihintay na lang sa kanyang counter affidavit para umusad na,” sabi ni Clavano.

Matatandaang dawit si Sen. Chiz sa mga mambabatas na inirekomendang sampahan ng kasong kriminal at administratibo kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.

Samantala, pinasinungalingan na ng senador ang mga paratang sa kanya, at itinanggi ang anumang pagkakasangkot sa nasabing isyu.