Kinumpirma ng kampo ni Senator Robinhood Padilla ngayong Miyerkules, Mayo 20, na hindi pa nakakapaghain ng ethics complaint ang senador laban sa kasamahang si Sen. Kiko Pangilinan.
Una nang nagpahayag si Padilla nang kagustuhang maghain ng reklamo sa ethics committee ng Senado laban kay Pangilinan dahil sa paninigaw sa kanya sa kalagitnaan ng sesyon nitong Mayo 12.
Ilang minute makalipas ang insidente, tinangka ni Pangilinan na makipagkamay kay Padilla bilang pakikipag-ayos, pero tinanggihan siya ni Padilla—na gustong humingi ng paumanhin sa kanya si Pangilinan sa plenary session.
