Sinabi ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na dapat magpatuloy ang proseso ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado hanggang wala pang ruling ang Supreme Court na makaaapekto sa kaso.

Ayon kay House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, pormal nang natanggap na ang Senado ng Articles of Impeachment at nagtakda na rin ng timeline para sa mga susunod na hakbang sa paglilitis.

“Well, the Senate has already adopted and set the timeline. Unless, of course, there’s a massive or, you know, a very kumbaga changes that might happen,” sinabi ni Adiong sa panayam ng Bilyonaryo News Channel.

Dagdag pa niya, malaki ang posibilidad na tatalima ang magkabilang panig sa writ of summons at sa iba pang proseso ng impeachment.

“I’m pretty sure that both camps would abide by the summons, by the writ of summons,” aniya.

Sa ilalim ng inaasahang proseso, sasagutin ng Vice President Sara Duterte ang articles of impeachment bago magkaroon ng pre-trial at aktuwal na paglilitis.

Ayon kay Adiong, maaari umanong magsimula ang trial bandang Hunyo, pareho ng naunang anunsiyo ni Senate President Alan Peter Cayetano, tumatayong presiding officer.