Hawak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang desisyon kung sino ang magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte sakaling ma-impeach ito, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia.
Binigyang-diin ni Garcia sa Kapihan sa Manila Bay Forum ngayong Miyerkules, Mayo 20, na nakasaad sa 1987 Constitution na nasa discretion ng Pangulo ang pagpili ng papalit na bise presidente, na maaaring manggaling sa Kamara de Representantes o sa Senado.
Ngunit, paglilinaw ni Garcia, dapat umanong maselyuhan ang desisyon ng Pangulo ng consent ng mayorya ng mga miyembro ng Kongreso.
