“Really weird na mga DDS ang nag-lead sa mga rallies during Labor Day. Duterte could have ended endo like he promised but he vetoed that bill. Huwag nga tayong maglokohan. Hindi pro-labor ang mga DDS,” ayon kay Atty. Race Del Rosario, RN.

‘HUWAG TAYONG MAGLOKOHAN’

Binatikos ni Atty. Race Del Rosario, RN, ang umano’y pangunguna ng ilang Diehard Duterte Supporters (DDS) sa mga rally nitong Labor Day, Mayo 1, na aniya’y “weird” at taliwas sa mga tunay na isyu ng mga manggagawa.

Ayon sa kaniya, hindi tugma ang estado ng mga DDS sa pagiging pro-labor, lalo na’t hindi naipatupad ang pangakong wakasan ang “endo” matapos i-veto ang panukalang batas kaugnay nito noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.