Matapos ang naganap na “putukan” sa loob ng Senado nitong Miyerkules, Mayo 13, ng gabi, nagawa namang tumakas diumano ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa mula sa naturang gusali sa pagitan ng alas-3 at alas-4 kaninang madaling araw.
Ayon sa report ng Bilyonaryo News, sinamahan pa diumano ni Sen. Robinhood Padilla si Bato, na itinuturing na pugante ng mga awtoridad sa bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
