“You’re the Vice President of the Philippines. You’re a public official. In fact, not only are you a public official, you’re the highest lawyer in a public office, Vice President. As Vice President, you cannot make jokes or you cannot be rhetorical kasi this goes into your fitness,” ayon kay Atty. Lorna Kapunan.
Bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, hindi dapat basta magbiro o magbitaw ng pahayag si Vice President Sara Duterte na maaaring magdulot ng seryosong implikasyon, dahil ito ay direktang tumatama sa kanyang “fitness” bilang isang mataas na opisyal ng gobyerno, ayon kay lawyer at columnist Atty. Lorna Kapunan.
Kaugnay ito sa “k!ll threat” video ni VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez, na naging sentro ng huling pagdinig ng House Committee on Justice noong nakaraang linggo.
Giit ni Kapunan, hindi maaaring ituring na conditional o rhetorical ang mga umano’y banta sa buhay, lalo na’t ayon sa mga ulat ay malinaw ang galit ni VP Sara habang nasa press conference at may direktang utos umano sa isang indibidwal.
“Dapat tignan natin ang psychological, psychiatric evaluation ng isang public official. Huwag na natin sabihin vice president, any public official who makes a remark like that is, nasabi ko na noon, lutang. Kung hindi lang lutang, hindi nararapat sa position niya,” dagdag pa niya.
Ulat ni LJ Bulawan
