“Tungkol sa kalagayan ni Zaldy Co, nananatili po siya sa kustodiya ng Czech Republic, at isinasagawa natin ang lahat ng mga kinakailangang hakbang para sa kanyang pagbalik dito sa Pilipinas,” sabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng legal na hakbang upang mapabalik sa Pilipinas ang dating kongresistang si Zaldy Co matapos itong madakip sa Czech Republic.
Sa isang pahayag ngayong Lunes, Abril 20, sinabi ni Marcos Jr. na kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng mga awtoridad sa Czech Republic si Co habang isinasagawa ang koordinasyon sa pagitan ng Department of Justice (DOJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagpapauwi sa kanya.
“Ang ganitong mga proseso ay may sinusunod ng mga legal na hakbang sa pagitan ng mga bansa, kaya’t nangangailangan na sapat na panahon upang maisagawa nang tama,” sabi ni Marcos Jr.
“We will bring Zaldy Co home and we will do so in accordance with the law. He will answer to the Filipino people, dagdag ng Pangulo.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
