Ituturing nang “mandated” ang anumang anunsyo ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo, ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin ngayong Lunes, Abril 20.

Ayon kay Garin, ang mga price adjustment ay hindi na lamang tatayong rekomendasyon kundi isang mandatoryong kautusan na kinakailangang sundin ng lahat ng mga oil company.

Ito ay kasunod ng mga ulat na may ilang gasolinahan ang hindi sumusunod sa inaasahang rollback ng presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo.

Ulat ni Bea Tanierla