Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa posibleng paghaba ng biyahe sa mga pantalan sa bansa ngayong Semana Santa, dahil sa pagbaba ng bilang ng mga barkong bumabiyahe at pagbagal ng turnaround time ng mga ito.
“Inaasahan natin ngayon ang paghaba ng biyahe. Bagama’t pinapayagan natin yung mga barko na punuin muna nila ang kanilang barko bago maglayag, for cost efficiency, yung turnaround naman nila, matatagalan,” ani Lopez.
Ipinaliwanag ni Lopez na pinapayagan ang mga shipping companies na punuin muna ang kanilang barko bago bumiyahe upang makatipid sa ngunit maaari umano itong magresulta sa mas matagal na turnaround time ng mga barko.
Dahil dito, hinihikayat ng DOTr ang mga biyahero na planuhin nang maaga ang kanilang pag-uwi sa probinsya at iwasan ang pagiging “chance passenger” sa mga pantalan.
Pinapayuhan din ang publiko na bumili ng ticket online upang masiguro ang slot at maiwasan ang abala sa gitna ng inaasahang dagsa ng mga pasahero sa Holy Week.
Ulat ni Bea Tanierla
