Maituturing na isang hudyat para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng ‘drug war’ campaign ang naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro.

“Itong pagpapadala kay dating Pangulong Duterte sa The Hague ang unang hudyat para mabigyan ng hustisya, hindi lamang po ang mga biktima ng EJK (extrajudicial killings), pati na rin po ang dating Pangulong Duterte,” ani Castro.

Kaugnay ito sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na isang taon na umanong galit ang mga Pilipino dahil sa ginawa kay Digong.

“Wala po tayong masasabi kung lahat ba ng Pilipino ay galit. Malamang sa kanilang parte, dahil ang kanyang ama ang naaakusahan at nililitis… malamang ito po talaga ang kanilang magiging reaksyon,” saad ni Castro.

“Pero sa parte po ng mga tao na nagsusulong ng human rights at lumalaban sa mga karumal-dumal na pagp@tay ng bunga ng EJK at war on drvgs ni dating Pangulong Duterte, hindi naman sila galit at sila po ay nagpupunyagi,” dagdag niya.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *