Sisimulan sa darating na Marso 17 ang pamimigay ng ₱30 bilyong ayuda para sa kikilalaning 139,000 tricycle drivers bilang posibleng mga benepisyaryo, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

Sa isang panayam ngayong Biyernes, Marso 13, sinabi ni Gatchalian na magmumula ang ₱30 bilyong pondo sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, kung saan makakakuha ang bawat benepisyaryo ₱5,000.

“Ang entrada sa loob ng libro ng general appropriations, P60 billion ‘to. At ang instruction sa amin ng ating Pangulo is P30 billion ilaan mo kaagad kasi hindi natin alam kung kailan ‘to matatapos,” sabi ni Gatchalian.

Kailangan lamang magdala ng mga benepisyaryo ng valid driver’s license at photocopy nito para makita kung tugma ang pangalan na nasa listahan.

Samantala, nilinaw ni Gatchalian na iba ang ipamamahaging ayuda sa umiiral na ₱5,000 fuel subsidy program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *