(Photo courtesy by Vanessa Sarno)
Ilang araw matapos mag-check out mula sa ospital dahil sa mataas na lagnat ang weightlifter na si Vanessa Sarno ay nagbigay ng panibagong karangalan sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Delhi-NCR, India sa pamamagitan ng pagsungkit ng tatlong gintong medalya sa women’s 71-kilogram class, nitong Miyerkules, Agosto 2.
Si Sarno, 19-anyos na Asian senior at Southeast Asian Games champion mula Tagbilaran, Bohol, ay sapat sa ‘ruling the snatch, clean and jerk’ sa 95kg, 121kg at 216kg categories, ayon sa pagkakasunod.
Itinuturing sa sports community bilang tagapagmana ng Tokyo Olympics gold winner na si Hidilyn Diaz, nagpasya si Sarno na hindi sundin ang payo ng kanyang doktor na huwag sumabak sa competition dahil nakararanas ito ng matinding lagnat.
“From ICU to the podium. She’s (Sarno) willing to die for the country. Grabe,” ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella.
“Nineteen gold in seven days. 10 of 11 of our lifters got medals. Onwards to the LA Olympics 2028,” dagdag ni Puentevella.