Nananatili ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi muling sasapi ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), ayon sa Malacañang ngayong Martes, Marso 10.

“Hindi nagbabago ‘yung stance ng Pangulo; hindi pa rin po tayo ngayon magre-rejoin sa ICC,” saad ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro sa mga reporters sa New York City.

Hindi naman nagbigay si Castro ng karagdagang paliwanag kung bakit ayaw ng pangulo na sumali muli sa Rome Statue.

Matatandaang umalis ang Pilipinas sa ICC noong taong 2018 sa ilalim ng panunungkulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte. (via Bea Tanierla)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *