Magsasagawa ang kampo at mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng isang misa bukas, Marso 11, para ipagdasal ang ligtas na pagbabalik ng dating Pangulo sa Pilipinas.
‘BRING HIM HOME’
Sa isang post na ibinahagi ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban, isasagawa ang isang “church mass to pray for the safe return of Former President Rodrigo Duterte.”
Gaganapin ang misa sa darating na Miyerkules, Marso 11, mula 12:00 p.m. hanggang 1:00 p.m. sa San Pedro Cathedral sa Davao City.
Kasabay ito sa paggunita sa unang anibersaryo ng pagkakaaresto ni Digong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands noong Marso 11, 2025.
Inaanyayahan naman ang mga dadalo na magsuot ng “anything green.” (via Julian Katrina Bartolome)
