Natuklasan sa panibagong survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong Marso 23-29, na tumaas ang approval rating ni Vice President Sara Duterte sa 59 na porsyento, mas mataas kumpara sa kanyang 52 porsyentong approval rating noong Pebrero.
Nakita rin sa naturang survey na bumaba sa 25 porsyento ang approval rating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos habang ang disapproval rating niya ay nasa 53 porsyento.
Bumaba ng 17 puntos ang approval rating ng Pangulo mula sa 42 porsyento noong Pebrero.
Ayon sa Pulse Asia, si VP Sara lamang umano ang top official na nakaranas ng improvement sa kanyang performance ratings.
Ulat ni Ansherina Baes