Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro sa press briefing ng Malacañang ngayong Lunes, Abril 21, na hindi umano nababahala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa resulta ng mga isinasagawang survey.

“Hindi po nabahala ang Pangulo sa anumang ratings sa survey. Ang Pangulo, kahit anuman ang rating, mataas, mababa, magpapatuloy siya sa kanyang trabaho,” saad ni PCO Undersecretary Atty. Claire Castro.

Aniya, patuloy pa rin ang pagtatrabaho ng pangulo anuman ang maging resulta ng mga survey tungkol sa kanyang performance bilang pangulo.

“Hindi po siya mapapahinto ng anumang survey. Basta ang gagawin lamang po ng Pangulo ay gumawa ng naaayon sa batas at magtrabaho ng tama,” saad ni Castro.

Ito ay matapos bumagsak hanggang 25 porsyento ang approval rating ni Pangulong Marcos nitong Marso habang tumaas naman sa 53 porsyento ang kanyang disapproval rating sa parehong buwan, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *