Nagbabala si Deputy Majority Leader at Tingog Rep. Jude Acidre na mas tumitindi ang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos sa kada araw na naaantala ang impeachment trial para kay Vice President Sara Duterte.
“We are not dealing with an ordinary elected official here. The Vice President has a history of brash and violent tendencies – she has made direct threats before, and we would be foolish to ignore the possibility that she may act on them,” sabi ni Acidre.
“Napakarami nang puwedeng mangyari sa limang buwan ng pagkaantala ng Senate trial. Let’s not be naïve – every day this trial is stalled, the threat to the President’s life grows, so is the ‘kill’ threat to the First Lady, Liza Araneta-Marcos, and our own Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez. This is not just about legal technicalities; this is about ensuring the safety and stability of our country,” ani Acidre.
Ayon kay Acidre, umabot na sa limang buwan ang pagkakaantala ng impeachment trial sa Senado kaya nagiging isang seryosong national concern na ito.
Aniya, malinaw pa sa sikat ng araw na ang mga nakaraang pahayag at galaw ni VP Sara ay nagpapakita kung gaano siya kaagresibo at karahas.
“The Vice President’s past behavior, including her infamous public outbursts and use of force, should not be dismissed,” saad niya.