Sa ginanap na press conference ngayong Miyerkules, Pebrero 12, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na walang personalidad o grupo na nag-pressure sa kanila upang isulong ang kasong kriminal laban kay Vice President Sara Duterte.

“Wala sa amin ang nag-utos. Wala sa amin ang nagdikta kung ano dapat gawin sa kaso,” sabi ni Santiago.

Ito ay may kaugnayan sa diumano’y “kill threat” na binitawan ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez noong Nobyembre 2024.

Kabilang sa mga kasong inihain ng NBI laban kay VP Sara ay inciting to sedition, at grave threat, ayon kay Santiago.

Samantala, sinabi rin ng NBI chief na siya at limang iba pang abogado ng ahensiya ang nagsulong sa kaso at “unanimous decision” ang kanilang napagkasunduan upang isampa ito sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *