Maituturing na isang makasaysayang desisyon, mahigit 200 miyembro ang lumagda sa isang dokumento ngayong Miyerkules, Pebrero 5, bilang senyales na pabor sila sa tatlong impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang grupo laban kay Vice President Sara Duterte na isusumite sa Senado para sa pagsisimula ng impeachment trial.

“This is about upholding the Constitution and ensuring that no public official regardless of position, is above the law,” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.

Nakasaad sa dokumento ang anim na pangunahing dahilan kung bakit umani ng suporta sa Kamara ang tatlong impeachment complaint laban sa Bise Presidente, at ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1) Conspiracy to Assassinate President Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, and Speaker Martin Romualdez.

2) Malversation of 612.5 million in confidential funds.

3) Bribery and corruption in the Department of Education (DepEd).

4) Unexplained wealth and failure to disclose assets.

5) Involvement in extrajudicial killings (Davao Death Squad).

6) Destabilization, insurrection, and public disorder.

Ang mga dokumento ng tatlong impeachment complaint ay inaasahang ililipat sa pangangalaga ng Senado ngayong araw bilang paghahanda sa impeachment trial.

Inaasahan din na agad na magtatalaga ang Kamara ng panel of prosecutors mula sa kanilang hanay upang umusig sa Bise Presidente hinggil sa mga akusasyon laban sa kanya sa impeachment court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *