Inihayag ni Taguig City 2nd District Rep. Amparo “Pammy” Zamora sa press conference ng House of Representatives ngayong Martes, Pebrero 11, na sa lahat ng ginanap na hearings para sa 2025 General Appropriations Act (GAA) ay bihira niya lamang umano makita si Davao del Norte 1st district Rep. Pantaleon Alvarez.

“It’s very ironic that Mr. Alvarez barely participated in the nonstop budget hearings that we’ve had for the 2025 budget… palagi po ako nasa session floor, bihira ko lang po siya makita,” saad ni Zamora.

Aniya, sa lahat ng ginanap na budget hearing ay wala umanong tinanong o ni-raise na concern si Alvarez.

“Nandun na po ‘yung chance sana na kung meron siyang mga tanong masasagot na sana noon pa,” saad ni Zamora.

Idinagdag ni Zamora na tila mali pa umano ang inireklamo nina Alvarez, senatorial aspirant Jimmy Bondoc, at Zamboanga City 2nd district Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe sa kanilang complaint na aniya’y si House Speaker Martin Romualdez ang kanilang inireklamo.

“Kung tungkol talaga sa Bicam (Bicameral Conference Committee) ang kanilang kaso, hindi po parte ng Bicam ang speaker,” sabi ni Zamora.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *