Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Public Accounts ngayong Miyerkules, Pebrero 5, inaprubahan ni committee chairman at Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen ‘Caraps’ Paduano ang pag-iisyu ng show cause order laban kay Bauan, Batangas Mayor Ryanh Dolor dahil sa hindi nito pagsipot sa pagdinig sa Kamara.
“For the record, Mayor Dolor did not send an excuse letter. And that is an insult to this committee and to the Lower House,” sabi ni Paduano.
Ito ay may kinalaman sa alegasyon ng iregularidad sa paggamit diumano ngpondo sa operasyon ng Office of the Mayor at Office of the Vice Mayor ng bayan ng Bauan.
“’Yun nakaraan, wedding. Ngayon po naman, may sakit,” sabi ni Paduano.
Una nang naghain ang mga miyembro ng tinaguriang “House Young Guns” ang House Resoulition No. 2148 na nagbigay daan sa imbestigasyon sa diumano’y paglustay ng pondo ng lokal na pamahaan ng Bauan sa ilalim ng pamumuno ni Dolor.
“The Commission on Audit (COA) issued a Notice of Disallowance dated November 28, 2018, identifying irregularities in the bidding process and in transactions with Aquadata,Inc., which was awarded a General Management Contract (GMC) despite failing to meet legal and financial qualifications; the privatization of the BWS resulted in a grossly disadvantageous revenue-sharing arrangement,granting Aquadata, Inc. 95% of net revenues while the Municipality retained only 5%, and led to substantial financial losses for the local government,” nakasaad sa HB 2148.
Kinuwestiyun din sa 3-pahinang panukala ang pagpapalawig ng kontrata ng GMC sa pamamagitan ng paglagda ng Bauan government sa isang holdover agreement para sa pagbebenta ng BMW facility sa sobrang mababang presyo na P100,638,000 sa kabila na ang assessed value nito ay P148,000,000.
Ayon sa Young Guns, posibleng nilabag ng grupo ni Dolor ang Republic Act 3019 o ang Anti-Graft at Corrupt Practices Act nang lagdaan ang naturang kasunduan na ikinalugi ng lokal na pamahalaan ng milyung pisong halaga.