Magsisilbing isang inspirasyon umano ang pagkikibahagi ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos sa gaganapin na World Governments Summit 2025 sa Dubai.

Si Unang Ginang Lza Marcos ang kinatawan ng Pilipinas sa gaganapin na World Governments Summit 2025 sa Dubai mula Pebrero 11 hanggang 13 dahil hindi makadadalo ang kaniyang asawa na si President Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpupulong.

Agad namang ibinahagi ng mga netizen ang kanilang pagsuporta kay Liza Marcos at sinabing isang “inspiration to many” ang kaniyang pagdalo sa mahalagang pagtitipon.

Sa ilalim ng temang “Shaping Future Governments” magpo-pokus ang nasabing summit sa pagtugon sa mga “global challenges” at paghahanap ng mga “innovative governance solutions.”

Bukod sa mahigit 30 mga head of state and government at mahigit 400 na ministers at influential experts mula sa buong mundo, kasama din dito ang nasa 80 international organizations.

Ayon sa ulat, isang pivotal moment ang participation ng First Lady sa summit sa patuloy na paglago ng economic ties sa pagitan ng Pilipinas at ng United Arab Emirates (UAE). (Via Ansherina Baes)

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *