Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary for policy and international cooperation Patricia Yvonne Caunan nitong Miyerkules, Marso 19, nag-aalok ang bansang Croatia ng trabaho sa hotel industry sa mga Pilipino.

Kabilang sa inaalok na trabaho ay housekeeping, front of the house, restaurant, at ilang trabaho sa industriya ng turismo.

Nasa 800 euros (P50,000) hanggang 2,500 euros (P156,000) ang salary range depende sa posisyon at libre rin umano ang accommodations para sa mga makukuhang Pilipino.

Wala ring age requirements para sa mga manggagawa dahil mas mahalaga umano sa mga Croatians ang experience, ayon kay Caunan, ngunit “they will look at physical fitness sa hotel and resorts.”

“Ang maganda po, dahil government to government, no placement fee sa kababayan natin. Walang agency, direct sa gobyerno. ‘Yun ang modality na pinili ng ating Croatian partners,” saad ni Caunan.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *