Inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang press briefing nitong Biyernes, Enero 24, na hindi nagbago ang posisyon ng Malacañang tungkol sa hindi pagkilala sa International Criminal Court (ICC) ngunit rerespetuhin umano ng gobyerno ang anumang request ng ICC na idaraan ang proseso ng pag-aresto ng mga akusado sa Interpol.
“If the ICC makes a move and courses the move through the Interpol and the Interpol makes the request to us for the arrest or delivery of a person subject to ICC jurisdiction, we will respond,” saad ni Bersamin.
“‘Yung position is wala na tayo sa jurisdiction ng ICC pero that does not necessarily mean that the order of the ICC enforced through the Interpol is to be ignored… I’m not saying ‘yung ICC ang inaano natin, ‘yung Interpol ang pinagbibigyan natin,” saad ni Bersamin.
Ito ang naging paglilinaw ni Bersamin matapos sabihin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na lumambot umano ang posisyon ng Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC sa “war on drugs” ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ulat ni Ansherina Baes