Nanawagan si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa pamahalaan na isama lahat ng Pilipinong may edad 60-anyos pataas sa buwanang social pension na ibinibigay sa mahihirap na senior citizens.

Inihain ni Estrada ang Senate Bill No. 2929 na nananawagan para sa pagtatatag ng “universal social pension.”

Pinuna ni Estrada ang Republic Act 7432 o Expanded Senior Citizens Act na nagbibigay ng P1,000 monthly social pension sa mga mahihirap na senior citizens sa pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Sa mata ng batas, dapat pantay ang lahat. Walang dapat pinipili,” sabi ni Estrada.

Ayon sa SB No. 2929, magkakaroon ng 13.2 milyong Pilipino na nasa edad 60-taong gulang pataas sa taong 2030.

Ulat ni Edgardo Tugade

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *