Inilabas ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ang kabuuan ng campaign spending ng mga Villar mula 2001 hanggang 2022.
Ayon sa PCIJ, noong 2001 ay umabot sa P38.5 milyon ang nagastos ni dating Senador Manny Villar para sa kanyang pangangampanya at P84.5 milyon naman noong 2007.
Mas mababa ito kumpara sa P133.9 milyon na nagastos ng kanyang asawang si Senador Cynthia Villar sa pangangampanya noong 2013 na mas tumaas pa noong 2019 at umabot sa P135.5 milyon.
Nasa P133.9 milyon din ang kabuuang nagastos ng kanilang anak na si Senador Mark Villar sa pangangampanya nito noong 2022.
Samantala, ayon sa PCIJ, kamakailan lamang ay umabot na sa P1 bilyon ang nagastos ni Las Piñas Rep. Camille Villar, anak nina Manny Villar at Cynthia Villar at ang pang-apat sa pamilya Villar na tatakbo sa pagkasenador, para sa kanyang pangangampanya hindi pa man nagsisimula ang campaign period para sa darating na midterm elections sa Mayo 12.
Ulat ni Ansherina Baes