Inihain ni Senator Loren Legarda ang Senate Bill 2927 o Magna Carta for Public Disasters Risks Reduction and Management (DRRM) workers, sa gitna ng tumitinding epekto ng climate change.

“The country as a whole faces natural hazards more than any other nation in the world; we face earthquakes, volcanic eruptions, and other natural and human-induced hazards,” ayon kay Sen. Legarda.

Inihayag ni Sen. Legarda na mahalagang maipasa ang panukalang batas upang kilalanin ang sakripisyo ng DRRM workers dahil palaging nangunguna ang Pilipinas sa World Risk Index ng 193 na bansa.

“With the passage of this bill into law, we want the government to recognize the significance of their contributions by supporting those who consistently risk their lives to save others from certain destruction,” sabi ni Sen. Legarda.

Sinabi ni Legarda na magkakaroon ng mga pagsisikap na mapabuti ang mga kondisyon sa pagtatrabaho ng mga manggagawa sa DRRM at maglalaan ng career advancement at psychosocial care upang matulungan silang makumpleto ang kanilang mga tungkulin.

Bilang karagdagan, magkakaroon ng mga probisyon upang magbigay ng hazard pay para sa high-risk activities, mandatory insurance coverage, overtime pay, night differential, at retirement pay para sa mga kwalipikadong DRRM workers, bukod sa iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *