Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na ang pagbabago ng pangalan at numero ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa balota ay bunsod ng desisyon ng Cavite Regional Trial Court (RTC) noong 2009.

“May RTC decision po ng 2009 granting his petition to change name. OSG (Office of Solicitor General) did not oppose,” sabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia.

Ito ay matapos paboran ng korte ang hiling ng actor-turned-politician na baguhin ang kanyang apelyido sa “Bong Revilla.”

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi kagagawan ng kanyang ahensya ang pagbabago sa pangalan ni Sen. Revilla Jr. sa balota na naging dahilan upang umangat ang numero nito sa listahan ng mga kandidato na ngayon ay Number 11 na.

Aniya, ito rin ang apelyido na ginamit ni Sen. Revilla Jr. nang tumakbo ito sa pagkasenador noong May 2019 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *