Pinaboran ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 nitong Huwebes, Enero 23, ang mosyon na inihain ng kampo ni Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), na manatili sa isang ospital sa pagpapatuloy ng kanyang medikasyon sa pneumonia.

“As of now, the warden is given the discretion as to whether or not he will be hospitalized either in Pasig Regional Hospital or in the Philippine Heart Center,” sinabi ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Apollo Quiboloy.

Noong Enero 18, 2025, isinugod si Quiboloy, na nahaharap sa kasong human trafficking, sa ospital matapos madiskubre na mayroon itong iniindang “community-acquired pneumonia.”

Sinabi ni Atty. Israelito Torreon, abogado ng pastor, na posibleng dinapuan ang kanyang kliyente ng sakit bunsod sa kakulangan ng sariwang hangin sa Pasig City Jail kung saan ito ipinakulong ng RTC judge.

“As of now, the warden is given the discretion as to whether or not he will be hospitalized either in Pasig Regional Hospital or in the Philippine Heart Center,” dagdag pa ng kanyang abogado.

Unang dinala si Quiboloy sa ospital noong Nobyembre 2024 matapos makaranas ng irregular heartbeat dahilan upang pagkalooban ito ng korte ng medical furlough.

Ito ay sinundan ng impeksyon sa kanyang dental implants kaya ang kanyang pansamantalang paglabas sa piitan ay pinalawig pa ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *