Hiniling ni House Quad Committee overall chairman at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers sa kanyang mga kabaro na suportahan ang House Bill No. 10986 o Anti-Extrajudicial Killing Act sa ginanap ng pagdinig ng Justice Committee nitong Miyerkules, Enero 22.

“Let us differentiate EJK from murder to punish state actors behind killings. Private offenders will be covered by existing laws,” sabi ni Barbers.

Sinabi ni Barbers na dapat gawing iba ang pagtrato ng mga awtoridad sa EJK mula sa murder cases upang mapatawan ng karampatang parusa ang mga masasangkot sa summary executions tulad sa nangyari sa pagpatay ng libu-libong drug personalities sa “war on drugs” na ipinatupad noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay Barbers, ang nilalaman ng panukalang Anti-EJK Act ay produkto ng serye ng imbestigasyon ng Quad Comm sa mga isyu ng summary executions, Philippine offshore gaming operators (POGO), at drug trafficking kung saan inuugnay ang grupo ni Digong Duterte.

Lumitaw sa imbestigasyon na kadalasang idinadahilan ng mga pulis na sangkot sa “war on drugs” na “nanlaban ‘yung mga biktima” na naging dahilan kung bakit sila pinatay at hindi na idinaan sa “due process.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *