Pinagtibay ni US Secretary of State Marco Rubio ang ‘ironclad’ commitment ng US sa Pilipinas sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Inihayag ni United States (US) State Department spokeswoman Tammy Bruce na ang pahayag ni Rubio “underscored the United States’ ironclad commitments to the Philippines under our Mutual Defense Treaty” sa pag-uusap nito sa kanyang counterpart na si Enrique Manalo.

“Secretary Rubio conveyed that the PRC’s behavior undermines regional peace and stability and is inconsistent with international law,” saad ni Bruce.

Bagama’t kilala si US President Donald Trump sa pagkukwestiyon sa mga alyansa, binigyang-diin ni Rubio na mananatiling committed ang US sa pagsuporta sa depensa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) laban sa China.

Naganap ang pag-uusap nina Rubio at Manalo isang araw matapos ang veiled warning ng US sa Beijing tungkol sa West Philippine Sea habang nasa four-day meeting kasama ang mga counterpart ni Rubio mula India, Japan, at Australia.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *