Binatikos ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., co-chair ng House Quad Committee, si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa pag-iwas sa mga pagtatanong ng komite at paggamit ng media para ilihis ang atensyon sa critical issues laban sa kanya.
“Ang ating senador Bato dela Rosa, nung tinanong siya, ayaw naman niyang humarap sa amin. Pinapaharap namin para maging malinaw ang lahat ng bagay. Anong ginagawa niya? Nagpupunta sa media. Kung anu-ano ang pinagsasabi niya,” ayon kay Abante.
Binigyang-diin ni Abante na ang layunin ng komite ay isulong ang katotohanan at accountability, at wala umano itong bahid ng pulitika.
“Kung meron man ditong nagsasabi na we’re gathered here because of politics, gusto naming humarap siya dito para sabihin sa amin directly,” saad ni Abante.