Diretsahang hinamon ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, overall chairman ng Quad Comm, si Col. Hector Grijaldo na ipakita sa harap ng mga kongresista ang parehong “tapang” na ipinamalas nito nang tumestigo sa Senado laban sa ilang miyembro ng komite noong nakaraang taon.

“Nung nasa Senado ka ang tapang-tapang mo, bakit dito ayaw mo—magmatapang ka rito. Ipakita mo ‘yung the same candor, the same tapang na ipinakita mo doon. Ano, matapang ka lang dun sa Senado kasi may kakampi ka?” ani Barbers kay Grijaldo.

Mistulang naubusan na ng pasensiya si Barbers, gayundin ang ilang Quad Comm members, nang paulit-ulit na igiit ni Grijaldo ang “right against self incrimination” nito nang usisain sa alegasyong pinilit umano itong kumpirmahin ang testimonya ni retired colonel Royina Garma, na nagsabing iniutos mismo ni noon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng cash reward system, o pagbibigay ng pabuya sa mga pulis na makakapatay ng drug suspect noong drug war.

Partikular na itinuro ni Grijaldo na namuwersa umano sa kanya ang kapwa co-chairmen ng Quad Comm na sina Manila 6th District Rep. Benny Abante at Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *