Isang seryosong banta sa seguridad ng Pilipinas ang paglalarawan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa pagkakatuklas sa hindi rehistradong submersible drone sa katubigan ng Masbate noong Disyembre 30, 2024, dahil sa posibleng sensitibong maritime data na nakolekta na nito.

“Una wala siyang permit, pangalawa hindi natin alam kung ano yung trinansmit na data. Pangatlo, hindi natin alam kung gaano katagal na siya dito…Pero ang alam ko yung duration ng battery niya 300 days. So yung 300 days almost a year na yun,” sabi ni Tolentino.

Ayon kay Senator Tolentino, tatagal ng 300 araw ang battery life ng drone at kapag nakitang dead-battery na ito, ibig sabihin ay 300 araw na itong gumagana.

“Four weeks po mula ngayon malalaman natin kung ano talaga yung mga sensitive information na nakuha sa loob ng drone,” sabi ni Sen. Tolentino.

Samantala, kasalukuyan pang hinihintay ang resulta ng forensic investigation ng Philippine Navy upang matukoy ang tunay na layunin ng naturang drone.

Unang kinumpirma ng Philippine National Police Maritime Group na ang submersible drone na may markang “HY-119” na natuklasan sa baybayin ng San Pascual, Masbate, ay gawa at pag-aari ng China.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *