Inihayag ni House Quad Committee lead chairman at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers nitong Linggo, Enero 19, na iimbestigahan ng House Quad Committee ang umano’y talamak na drug smuggling sa mga daungan, sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Martes, Enero 21.
“Mayroon kaming inaantay at inaasahan na (resource person) na mag ko-confirm. Tungkol naman ‘to sa pagdami ng droga na allegedly dumadaan sa mga ports ng mga nakaraan na taon,” saad ni Barbers.
Idinagdag nito na layunin ng Quad Comm na maghain ng mga panukalang batas laban sa mga nasa likod ng drug smuggling, kabilang na ang mga opisyal ng gobyerno.
Kasama sa mga iimbitahan sa nasabing pagdinig ay sina former Bureau of Customs (BOC) official Jimmy Guban at Customs “fixer” Mark Taguba.
Samantala, sina Col. Hector Grijaldo at dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villanueva ay magkakaroon ng isa pang pagkakataon para magsalita sa harap ng panel.
Kasalukuyang naka-detain sa House of Representatives ang dalawa dahil sa contempt, habang si Taguba naman ay naka-detain dahil sa potential security threats nito.
Ulat ni Ansherina Baes