Sinabi ni ACT Teachers Rep. France Castro nitong Sabado, Enero 18, na hindi dapat makialam si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

“President Marcos should not interfere with the impeachment process. Congress has a constitutional duty to process this case immediately,” sabi ni Castro.

“The people deserve accountability and transparency… This is not about politics – this is about upholding the principles of good governance and ensuring that public officials remain accountable to the Filipino people,” sabi ni Castro.

Ito ay matapos sabihin ng Pangulo noong Biyernes, Enero 17, na “wrong timing” umano ang paghain ng impeachment laban kay Duterte dahil kasabay nito umano ang darating na midterm elections na gaganapin sa Mayo 12.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *