Kinuwestiyon ni dating senador at ngayo’y Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang “logic implicit” sa isinagawang “National Rally for Peace” ng Iglesia Ni Cristo (INC) na ginanap sa Quirino Grandstand sa Maynila noong nakaraang linggo.
“There is no question that the INC peace rally was a peaceful assembly. But were the ‘grievances’ to be redressed? Pardon me for my impression – to me, there was none,” sabi ni Enrile.
Para kay Enrile, ang ginanap na rally kung saan mahigit 1.5 milyong miyembro ng INC ang dumalo, ay isang “political pressure” upang pigilan ang isang sangay ng gobyerno na gawin ang constitutional duty nito na aksiyunan ang tatlong impeachment complaint na inihain ng ilang grupo laban kay Vice President Sara Duterte.
“To me, although it was (well-intentioned), the peace rally was more like a political pressure to hinder a separate department of the government to perform a constitutional duty,” saad ni Enrile sa kanyang post sa social media noong Linggo, Enero 19.
“This was evident from the speeches delivered in that rally,” ani JPE.
Ipinagtaka rin ni Enrile kung bakit siya ang inuulan ng batikos dahil hindi naman siya kalaban ng mga sektor ng relihiyon habang iginigiit na hinahayaan ng pamahalaan ang mga mamamayan na ihayag ang kanilang saloobin sa mga rally.
“This will be my last comment on the issue we are discussing. You have your own truth. I have my own,” aniya, kasabay ng pagsabi na sa bandang huli, ang mga botante pa rin ang magdedesisyon kung alin ang tama at mali sa gobyerno.