Hindi pa man nagsisimula ang campaign period para sa darating na midterm elections sa Mayo 12, diumano’y mahigit P1 bilyon na ang nagagastos nina Sen. Imee Marcos at Las Piñas Rep. Camille Villar, na kapwa tumatakbo sa pagkasenador, para sa kanilang political ads, ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) nitong Biyernes, Enero 17.
Ayon sa Nielsen Ad Intel, ganito na kalaki ang nagastos ng dalawang reelectionist para sa advertisement spots sa telebisyon at radyo.
Sa kabuuan, kalahati na ito nang mahigit P4 bilyong nagastos ng lahat ng mga kandidato para sa kanilang political ads mula Enero hanggang Setyembre 2024, bago pa man magsimula ang paghain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec).
Ulat ni Ansherina Baes