Nagbanta si Sta. Rosa City (Laguna) Rep. Dan Fernandez na hihilingin nito ang pagbawi sa prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa umano’y maraming paglabag sa franchise agreement nito kasabay ng kuwestiyunableng pag-aari ng mga Chinese businessman sa power transmission company.

“I am for the revocation [of NGCP’s franchise], and that’s why we are gathering all their violations so that, at the right time, we can make a motion to revoke their franchise. That’s the best course of action,” sabi ni Fernandez.

Naungkat ang mga diumano’y paglabag ng NGCP sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Legislative Franchise nitong Miyerkules, Enero 15, na nag-iimbestiga rin sa pagkakaantala ng mga proyekto nito kung saan ang malaking gastusin dito ay ipinapasa sa mga consumer.

Binusisi rin ng komite ang pagkontrol ng mga Chinese businessmen sa korporasyon na diumano’y paglabag sa prangkisa na ipinagkaloob ng gobyerno ng Pilipinas sa NGCP.

“The operations are conducted by the Chinese, and that is worrisome. The system operation should not be handled by a private entity; it should be handled by the Philippine government,” sabi ni Fernandez.

Sa 14 opisyal ng NGCP board, apat ang Chinese nationals na pinamumunuan ng kanilang chairman na si Zhu Guangchao.

“This is one of the reasons why we are reviewing this issue, so the government can retain the authority to manage electricity traffic. Because, aside from the fact that they transmit the electricity from power plants to distribution utilities, they control where it goes, and that compromises our security,” paliwanag ng mambabatas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *